Diary of a Weirdo Kid

Ilang weeks na din kami magkasabay umuwi. At nagkakataon pa na kaming dalawa lang talaga.

Kahapon, madami kaming kasabay. At sa ‘di inaasahang pagkakataon at lugar e nabuksan ang topic tungkol sa mga crush sa room, nililigawan, etc. Nag-open siya. Meron siyang gustong ligawan at nakilala lang niya sa jeep. Nagandahan daw siya at hahanapin na niya sa Facebook. Tahimik lang ako. Ayoko mag-open. Sa mga oras na ‘yun nanliit ako. Parang sinasaksak ako ng paulit-ulit. Gusto ko na lang mamatay. Moment ko ‘to. Wag kang magulo.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang ‘yan o hindi. Kung sabagay mas okay na ‘yan kaysa dagdagan pa natin ‘yan ng “LANG” ‘di ba?

Matagal ko ng crush ‘tong taong ‘to. Madalas kong kasabay ‘tong taong ‘to pauwi. Sa 30 minutes naming magkasama, madami na kaming napagkukwentuhan. School, past girlsfriends niya, lessons in life, etc. Nasanay akong lagi kaming ganito. Kapag wala siya, tahimik ng mundo ko kahit may kasabay pa akong iba.

Last year, nagkaroon siya ng girlfriend. Ewan ko kung anong i-rereact ko nung nalaman ko ‘yun. May mga pagkakataon na break sila at tumatalon ang puso ko sa tuwa. At kapag nagkabalikan, KILL ME NOW. Sa kasalukuyan, hindi ko alam ang status nila ngayon.

First day of classes. Nakaupo na ako. Dumating siya, binati ako at umupo sa harap ko. During the class, natawag ako for recitation. Then, ako naman ang pipili ng student number for the next na magrerecite. “63.” Tinawag ng prof ang name niya. (S*** SOULMATE?! HAHAHA)

Uwian na. Inakbayan niya ako at sinabi na uwi na kami. O.O E, sakto may meeting ang org. Grabe! Gusto ko ng umuwi. Haaaaaaaaayyyy. -___- FAIL

Second day. Break time. Tinanong niya ako kung may baon ako. Meron. Sabay daw kami. After that, nag-uusap sila ng iba naming classmates. Nakikinig lang ako. Tapos sabi niya, “Ang totoo niyan si *insert my name* ang gusto ko.” Hindi ako nagreact. Syempre kunwari patay malisya pero ang totoo, kinikilig ng bongga. Tapos sabay, “Joke lang.” Wala. Hindi na talaga ako nagreact.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o dapat i-ignore lang ‘to kasi BINIBIRO lang ako.  

(Continuation from 02.)

6th Day : Pagdating ko pa lang sa venue, pasimple ko siyang hinanap. Di ko siya nakita. Pero pag pasok ko sa pinto, *BOOM*! Pa-simple ko siyang tinitigan. Tapos yun nakita na niya ako, at iginanti niya ang smile niyang pamatay (^____________^). Grabe! Before magstart ang talk, naglaro muna. May part sa game na hahawakan mo yung hands ng opponent mo. At first I don’t want to play the game. Ang then bigla siyang lumapit at guess what, hinwakan niya ang hands ko! OMGGGGG!! ♥ 

After all the activities and talks, he approached me and said, “Bakit di ka pumunta?” (basta event yun, he invited me) SHOOT! Napaisip tuloy ako, dapat pala pumunta ako! Kung tutuusin, di ako nag-enjoy this day kasi I think its our last day. Di pa naman official yun, pero sana hindi pa. PLEASE?! :)

Our org organizes a 7-day something like a seminar. He’s one of the organizers. I’m a participant pa lang. 

1st Day : (Di ako umattend)

2nd Day : Wala. Nakita ko lang siya. 

3rd Day : same as 2nd Day.

4th Day : Binati niya ko. Tapos nag-usap sila ng guy friend ko. After ng seminar, kainan na. Food server siya. Kumuha lang ako ng drinks. Tapos pinipilit niya ako na kumuha ng food. Nung dumami yung tao, bigla siyang nagkwento about kung paano kami nagmeet. Alam niyo naman ang guys, maloko so ayun, pinagkamalan daw niya ako na magnanakaw kasi sinusundan namin sila. Hahaha. :)

5th Day : Epic ‘tong araw na ‘to. May group activity nun, so sila na lang ang lumapit para magserve ng food. Madami sila so pinanalangin ko na siya magibigay sa akin. :) Biglang lumapit na yung isang food server sa group namin so naisip ko wala ng pag-asa. :( Biglang lumapit siya sa akin, kasabay sa pagbigay ng food, binigkas ang katagang “Gusto ko, para sa akin ka lang.” OH MAY GAWD! Nginitian ko lang sya. :D Natapos ang seminar. On our way pauwi with my classmates, bigla siyang humarang at nagpaalam. Ako last niya kinausap tapos sabay sabi ng “*insert my name*, ang ganda mo!” Di ko alam kung compliment ba yun o dahil lang sa, nung binati niya ako eh nabanggit ko na maganda ako. 

Next day, ayun admirer na niya ako. Ayoko ng stalker. Hahaha. So ina-admire ko siya sa Facebook. Every notif pinapanalangin ko sa kanya galing hanggang sa ininvite niya ako sa isang event. Among my classmates, ako lang ang nainvite. but I decided not to come. 

So ito ako ngayon, looking forward sa next na pagkikita namin. At mukhang tanga na nag-eexpect na may mangyayari.