Diary of a Weirdo Kid

Ibang - iba na ang pasok ng 2nd sem ko ng malaman kong nagkabalikan na kayo. Nag-iba ka na rin sa akin. Never mo na akong sinabayan pauwi. Samantalang noon, hihintayin mo pa ako magkasabay lang tayo. Hindi ko makakalimutan yung araw na gusto mong sabay tayo mag-lunch. Bumili ako. Hinahanap kita. Nakita kita kasama mo na siya. 

</3

Years na rin ang nakalipas na hindi kami nagkikita kahit magkapitbahay lang kami. 


Lately, napag-usapan namin siya ng friend ko. Sa isang iglap, na-miss ko siya. Suddenly, nakita ko siya kanina. Alam ko nakita niya ako. Pero I think he’s not sure if ako yung nakita niya.

Ganun pala yung feeling kapag nakita mo yung first love mo. Lahat ng feelings mo noon para sa kanya, babalik.

Merry Christmas ♥

Nabalitaan ko, sa pamamagitan ng pagsilip ng profile mo, nagkabalikan na kayo. Uhmmmm… ahhhh.. hmmm…. sige, Merry Christmas ulit.

Sawi,

Ako

Hangga’t ako’y pinapakilig mo, hinding - hindi ko bibitawan ang mga salitang “ISA AKONG HOPELESS ROMANTIC”.

Almost one week na rin tayong hindi nagkikita. Hindi ko alam kung dapat ba kitang kamustahin dahil halata namang masaya ka sa piling niya. Miss na kita. Miss na kitang kasabay pauwi. Lalo na ang pagsabay nating paglahanghap ng mabagong pizza. Alam ko wala ako sa posisyon na masaktan, pero nung last day natin sa school, expected ko sabay tayong uuwi kaso nakita ko, magkasama kayo ng ex mo. Isa lang naisip ko, katapusan na natin kahit walang TAYO. 

Naguguluhan ako sa relationship status mo. Sabi mo break na kayo. Hindi ko tuloy alam kung kailan ako magiging masaya. (salbahe) 

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing magkasabay tayo. Ang pag-payong mo tuwing umuulan. Ang pakikinig sa aking mga love problems. Sa pagpayo. At lalo na sa unang pagkakataon na niyaya mo akong kumain sa labas. Hindi yun date. Pero sa sarili ko, date yun. First date ko yun. 

Mananalig pa rin ako na balang araw mapapansin mo rin ako. 

Umaasa,

Ako

Napansin kong matagal na rin kami hindi nagkakasabay umuwi. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na ito. 

Nakita ko siya pababa ng hagdan. Expected ko, mauuna na siya. So ako si kunwaring patay malisya na kampanteng maglakad pero madaling-madali at humihiling na sana maabutan ko siya. Mag-isa na lang ako. Naghintay ako ng makakasabay hanggang sa tadhana pa rin talaga namin na kaming dalawa sa uwian. SOBRANG SAYA. Ngayon lang kami nag-usap ng harap-harapan na ganun kalapit sa isa’t isa. Kakaiba ang araw na ito. Mahal pa rin ako ni Lord. Hihi

10/10/12

Nagdesisyon na talaga ako na layuan siya. Pero parang pinaglalapit kami ng tadhana o pinagbibigyan lang ako ni Lord.

So this day, ngayon ko lang ulit siya nakasabay umuwi. Big deal ang araw na ito. Niyaya niya akong kumain bago umuwi. Ice cream lang. Ako pa ba tatanggi? Grabe, kakaiba ‘tong naramdaman ko. Totoo ba ‘to? Kasama ko siya? Walang dead air. Kahit non-sense lahat ng pinag-uusapan, sa bawat salitang yun pina-process ko sa utak ko.

Awkward Moment:

Sinamahan niya ako pumunta ng NBS. Tiningnan ko kung may book na ni RB, Bakit hindi ka crush ng crush mo? E siya pa naman yung crush ko. HAHAHAHA

After class, niyaya at sinabayan niya akong kumain. Habang busy kaming dalawa sa pagkain, napansin kong paunti ng paunti ang tao sa paligid namin hanggang sa kaming dalawa na lang natira sa napakahabang study table. Sa tuwing kaming dalawa ang magkasama, dead air palagi pero sa pagkakataong ito, sumang-ayon ang kalangitan sa akin. Pinag-usapan namin ang mga bagay na non-sense. Pinag-share-an ang baon ng isa’t  isa. Nauna siyang matapos kumain. Akala ko, iiwan na niya ako, pero hinintay niya ako matapos. Sabi ko, “Sige na. Una ka na. Okay lang.” “Sige lang. Hintayin kita.”, sabi niya. Sa totoo lang, e nasa tapat lang kami ng room. Mga 5 steps away. Ewan, pero kakaiba talaga yung feeling ko nun. Hindi lang basta kilig e. E hindi na nga mabilang ang mga araw na lagi niya akong iniiwan lalo na pauwi. Kinikilabutan ako. Masyado na akong nag-aasume. Hayyyyy

Habang sabay naming tinatahak ang daan pauwi, napatigil at napatingin ako sa kanya.  Naisip ko, “Grabe ‘tong taong ‘to. Baka dumating sa point na hindi ko na talaga kayang i-tago ang feelings ko for him. Kung magkataon, talo ako. Bibigyan ko lahat ng gestures niya ng meaning ng walang kasiguraduhan. Patuloy na lang ba akong aasa at sa huli ay masasaktan. Ako na lang ba ang laging maghihintay sa wala? Kailan ako mapapagod? Lagi na lang bang ganito? 

“Ang weird mo ngayon. Siguro nag-eevolve ka na sa pagiging lalaki. HAHAHAHA” Biro niya habang tinatahak namin ang daan pauwi. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Iba talaga ang pakiramdam. Hindi ko inaasahan na makakasabay din namin ang classmates namin. Kinaugalian ko na sa mga ganitong pagkakataon na humiwalay sa kanila kapag sasakay ng tren. Iniisip ko naman, ‘di bale. Basta sa last station ikaw kasama ko. Nasa pang-limang station na. Habang paunti ng paunti ang tao ay siya namang paglinaw ng paningin ko sa kanya. Sa tuwing dumadating sa bawat station, automatic na lumilingon ako sa kanya. Nahahalata ko na tila ba siya ay hindi mapakali na parang may hinahanap. Hanggang sa nagkatinginan kami at bigla namang pag-iwas ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. 

Last station na. Ang pinakahihntay ko sa lahat. “Okay ka lang? Bakit humihiwalay ka?” ”Wala.” Hindi ko na alam ang i-sasagot sa mga tanong niya. Sa totoo lang, naisip ko lang, baka ang tingin nga talaga niya sa akin e, hindi babae. Kaya naman, naikwento ko sa kanya ang pinakatatago kong sikreto. Ang pagkakaroon ko ng boyfriend. Simula ng tumapak ako sa mundo ng kolehiyo, kinalimutan ko na ang buhay ko noong HS. Nang maikwneto ko lahat, sobrang dami niyang tanong. Napaghahalataan na sobrang interesado siya at ako naman e feelingerang nangagangarap na humahanap siya ng paraan kung pwede ba akong ligawan. 

Humingi ako ng sign kay Lord. Kapag pumunta siya sa event ng org, may pag-asa pa kami este ako.

(1st day) Maaga pa lang nasa place na ako. Busy ako sa pag-aayos at pagtulong ng kung anu-ano. Ilang minuto ang nakalipas, may mga dumating at isa siya sa mga ‘yon. Natuwa ako. Naisip ko, Lord, lalo mo akong pinasasaya. Kunwari, patay malisya ako sa mga dumating. Hanggang sa nakita niya ako at sinabi, “Ui, si ________!” Masaya siya na nakita ako. (Nagsasabi ako ng totoo.) Hindi ko siya mabati ng bongga dahil nakatingin ang mga tao sa amin. Nag-smile ako, syempre at bumati din. Tapos nun, mga ilang minutes ulit, lumapit siya at binati ulit ako. Nagkwento siya at sinabi na leader daw siya. Syempre ako na-aamaze din. After mag-usap, tinext ko siya at nagpakilala. Ito na ata ang pinaka nakakalokang ginawa ko sa isang lalaki. Ang totoo niyan, hindi niya alam ang number ko.

Bago matulog, nag-isip ako ng way para maka-usap o mabati siya. Sana tumalab.

(2nd day) Pagkalabas ko ng room for breakfast, saka naman paglabas din niya ng room niya. Sa totoo lang, hindi ko siya nakita. Tinawag niya ako at binati. Pumasok agad sa isip ko, ang ganda naman ng umaga ko. Sabi ko, “Nagtext ako sa’yo a. :)” “A. Oo. :)” Kinikilig na tuloy ako. =)))

Masakit lang, uwian na at hindi ko nagawang magpaalam. </3

“Kapag masaya ka kasama siya everyday, ‘wag na ‘wag mag-eexpect sa susunod na araw. Masasaktan ka lang.” 

Dahil sa mga pangyayari for the past few days, nag-expect ako na the following days ay mas masaya pa kaysa kahapon. 

Una, hindi kami nagkasabay umuwi. Pangalawa at ang pinakamasakit sa lahat e ng malaman ko na there’s something going on between him and his ex. </3

Hihirit lang ako. TANGINA! 

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko namanhid ako lalo sa mga nabalitaan ko. Gusto ko nang umiyak. Gusto ko nang mawala na parang bula. Kung pwede lang mamatay sandali, ginawa ko na. Doomsday ko ngayon.

Ilang weeks na din kami magkasabay umuwi. At nagkakataon pa na kaming dalawa lang talaga.

Kahapon, madami kaming kasabay. At sa ‘di inaasahang pagkakataon at lugar e nabuksan ang topic tungkol sa mga crush sa room, nililigawan, etc. Nag-open siya. Meron siyang gustong ligawan at nakilala lang niya sa jeep. Nagandahan daw siya at hahanapin na niya sa Facebook. Tahimik lang ako. Ayoko mag-open. Sa mga oras na ‘yun nanliit ako. Parang sinasaksak ako ng paulit-ulit. Gusto ko na lang mamatay. Moment ko ‘to. Wag kang magulo.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang ‘yan o hindi. Kung sabagay mas okay na ‘yan kaysa dagdagan pa natin ‘yan ng “LANG” ‘di ba?

Every August may camping ang event namin. Humingi ako ng sign kay Lord. Kapag nakita ko siya dun, may I’ll pursue my feelings for him. If wala, well, sorry na lang sa akin at back to square one.