Matagal ko ng crush ‘tong taong ‘to. Madalas kong kasabay ‘tong taong ‘to pauwi. Sa 30 minutes naming magkasama, madami na kaming napagkukwentuhan. School, past girlsfriends niya, lessons in life, etc. Nasanay akong lagi kaming ganito. Kapag wala siya, tahimik ng mundo ko kahit may kasabay pa akong iba.
Last year, nagkaroon siya ng girlfriend. Ewan ko kung anong i-rereact ko nung nalaman ko ‘yun. May mga pagkakataon na break sila at tumatalon ang puso ko sa tuwa. At kapag nagkabalikan, KILL ME NOW. Sa kasalukuyan, hindi ko alam ang status nila ngayon.
First day of classes. Nakaupo na ako. Dumating siya, binati ako at umupo sa harap ko. During the class, natawag ako for recitation. Then, ako naman ang pipili ng student number for the next na magrerecite. “63.” Tinawag ng prof ang name niya. (S*** SOULMATE?! HAHAHA)
Uwian na. Inakbayan niya ako at sinabi na uwi na kami. O.O E, sakto may meeting ang org. Grabe! Gusto ko ng umuwi. Haaaaaaaaayyyy. -___- FAIL
Second day. Break time. Tinanong niya ako kung may baon ako. Meron. Sabay daw kami. After that, nag-uusap sila ng iba naming classmates. Nakikinig lang ako. Tapos sabi niya, “Ang totoo niyan si *insert my name* ang gusto ko.” Hindi ako nagreact. Syempre kunwari patay malisya pero ang totoo, kinikilig ng bongga. Tapos sabay, “Joke lang.” Wala. Hindi na talaga ako nagreact.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o dapat i-ignore lang ‘to kasi BINIBIRO lang ako.
